Work Hard, Play Harder

Grabe daming ginawa ngayong linggo, at wednesday pa lang ngayon! Kung sa bagay ilang linggo na din akong nag petix dito. Medyo madali lang naman yung mga ibang problema (sa computer) dito sa office, yung iba naman eh user problem kaya ayun. Nakakatuwa lang at medyo maraming tawag ngayon kumpara mo last week.

Ilang araw nanaman eh sahod na, at katulad na aking dasal nung nakalipas na katapusan eh sana huwag naman madelay ang sahod :D. Valentines pa naman… And speaking of valentines eh tinanong ako ng finance director namin:

FD : May date ka ba bukas? (babae siya eh) 

Ako: Maam? meron po… ata? (sabay ngiti, at akala ko aayain niya ko na magdate) :D

FD: Kasi di ba may event sa Stars Plaza bukas. dali salary deduction na lang tapos two gives. 7:30 pm ang start may banda na din na kasama dun, tapos buffet style siya.

Ako: Naku maam! 7:30? hindi ko lang po sigurado kasi po may jam po kami bukas, kasi po may gig kami this saturday. kaya baka hindi po ako pwede.

FD: Ito naman, sige na!

Ako: (para matigilan na) Sige maam pag libre po ako bukas… :D

Hay Valentines, puno nanaman ang mga motel dito sa Sta. Mesa. Sakto pagtapos ng kainan dito sa Stars Plaza eh, diretso na doon. hehehe.

Nawili nanaman ako sa paglalaro ng NBA LIVE 2005. May bago kasi kong team :D Cleveland Cavs! Kaya napapauwi ako ng maaga nitong mga nakalipas na araw eh. At 4-0 na ko! Yay!

One Response to “Work Hard, Play Harder”

  1. kurisujae Says:

    pareho pala tau ng problem, mas madalas petix lang sa office. hehe. napadaan lng…

Leave a Reply