Waah! Backpay ko!
Nakausap ko na yung payroll master dun sa dati kong work, pinapatawag niya ko sa friday. Hopefully makuha ko na yung cheke ko…
Pinagtripan ba naman ako nung wednesday! hay…
PAYROLL MASTER: uy! (name ko)!
AKO: Ano po balita dun sa cheke ko?
PM: ay naku! nakaleave na si DHEL! Manganganak na!
A: Ha?! hala pano yun… (muntik na kong maiyak!)
PM: Wala after three months mo pa makukuha yun kasi baka ganun katagal leave niya!
A: Ha?! hindi nga po? (babaha na ang luha ko sa mata!)
PM: Pero…
A: (uy may pero! hehehe!)
PM: Syempre pwedeng makuha to sa “special arrangement”!
A: Po? ano po gagawin ko? (habang naririnig kong naghihiyawan ang mga tao sa Accounting!)
PM: hihihi! Sabi daw ni sir “Shakey’s” daw!
A: Ma’am kaltas niyo na lang (nakangiti na ko!)
PM: Ay hindi pwede yun, cheke ‘to
A: Ay oo nga pala… Sige ma’am basta mabibigay niyo sa kin wala po tayong problema sa “special arrangement” na yan. kailan ko ba makukuha?
PM: Kailan mo ba pwedeng kunin?
A: Ma’am within this week pwede?
PM: Sige tawag ka sa friday, para maconfirm mo kung okay na cheke mo
A: Sige po ma’am maraming salamat! (dumudugo na pisngi ko sa ngiti ko :D)
But I’m still keeping my fingers crossed!
Mayo 30, 2008 Sa 8:26 umaga
woohoo!!!! i’ll cross my fingers din for you hehehe! malapit nko magkaburger!!!
Mayo 31, 2008 Sa 11:51 umaga
yehey! burger burger burger….